12.03.2015

Da - lam - ha - ti

Wow! Mag start ulit Ako mag blog pagka tapos ng sampung taon.. Madami nagbago pero iisa pa rin ang dahilan Kung bakit Ako magsusulat Ito ay Dahil sa kalungkutan ng puso.. Sa mga luha gusto ng pumatak.. Mga luha pumatak na rin Dati. Napiga na rin Dati. bigla aapaw na lang ulit . Hay buhay Sabi nga Nila. Nararamdaman ng puso ang Hirap Ipaliwanag .magkapareho lang ba sila? ang pusong masaya? sa pusong nagpupumiglas na lumuha sa kalungkutan? Sa puso pagod na masira ? sa mga mata Pagod na umapaw at bumuhos  ? Pilit na Pipigain ang dalamhati . Pilit na Pipigain ang sakit ng puso .. Pilit na Pipigain ang mata .para wala na makusot na tubig?wala na makusot na sakit? Wala ng itibok na dalamhati? .. Da - lam - ha - ti , da - lam - ha - ti.. Anim na taong tibok ng puso ko..
Da-lam-ha-ti. Yan na naririnig ko madalas sa gabi pag tahimik na lahat pwera sa ugong ng electric fan. Pero minsan mas malakas pa ang da-lam-ha-ti ni puso kekesa sa number 3 ni electric fan..


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento